Thursday, March 30, 2017

BIOGRAPHY

AKO: Mga Bagay na hindi mo pa Nalalaman

Isang umaga ng Sabado, ika-23 ng Hulyo taong 1999 nang ako ay ipanganak sa bayan ng Lucena. “Shiela Mae” ang pangalang ibinigay sa akin alinsunod sa bilin ng aking ninang. Sa kasalukuyan ay labing-pitong taon na ako at nasa ika-labing isang baitang sa Calayan Educational Foundation, Inc.
 Madalas akong ilarawan ng aking mga kaibigan na “maitim”, ngunit kailanma’y hindi ko ito ikinagalit dahil totoo naman talaga, pero naniniwala naman ako na “black is beauty” at kakapit na lamang ako sa paniniwalang iyan. Madalas din nilang mapuna ang aking height, masyado daw akong maliit. Well, it runs in our blood. Mga lalaki lamang kasi ang nabiyayaan ng tangkad sa aming pamilya.
Maayos at malusog naman akong palaki ng aking mga magulang. Lampas sa tatlong beses pa nga kung kumain sa loob ng isang araw, ngunit hindi lamang talaga ako tumataba. Wala naman akong maituturing na malalang sakit o karamdaman, ito lamang panlalabo ng aking mata ang madalas kong idaing .
            Noong bata pa lamang ako ay nagkaroon ako ng sakit na asthma na naging dahilan para maging mahina ang aking katawan. Sa ngayon naman ay bihira ko nang maramdaman ang mga kahinaang ito. Ngunit isa sa mga pinakamatinding epekto nito ay ang pagkawala ng aking interes sa paglalaro ng sports o anumang mga gawain na magiging sanhi ng pagod. Sa kabila nito ay nakahiligan ko paring gawin bilang bahagi ng ehersisyo ay ang pagsasayaw, kahit na trying-hard pa ako  kung minsan.
Sa loob ng maraming taon ng aking pag-aaral ay napapanatili ko naman ang mataas na grado at kung minsan nga ay napapasama pa ako sa may mga honors, kaya’t masasabi ko na maayos naman estado ng aking IQ, sapat lang para maintindihan ko ang mga bagay-bagay. Kaugnay na rin siguro nito ang pagiging malawak ng aking imahinasyon. Ang mga imposibleng bagay ay nagiging possible sa tuwing gumagana ang aking imahinasyon. Nararating ko ang outer space at nalilibot ang galaxy sa sobrang lakas nito. Samantala, 7 out of 10 ko naman ilarawan ang aking common sense. Minsan kasi ay nagiging slow ako sa pagpick-up ng mga jokes at kung ano-ano pa.
Ako yung tipo ng tao na go wth the flow lang. Kung sa’n sila dun ako, kung san ako dalhin ng tadhana, go lang. Positibo kasi ako, at ang mga pananaw ko sa buhay. Wala naman kasing patutunguhan kung patuloy kong iisipin ang mga nakaka-stress na bagay.
Ako rin ‘yung tipo na hindi uusad ang buhay kapag nag-iisa, malungkot kapag walang kasama at hindi kaya ang maging solo lang. Pero may mga pagkakataon naman na gusto ko ang mag-isa, nagmumuni-muni at nagpapahinga mula sa isang nakakapagod na araw. At sa mga oras na nagkakaroon ng problema, mas maganda syempre kapag may nakakatulong ka sa pagreresolba ng mga ito; dapat ay sinasamahan ng pagdarasal nang bonggang-bongga.
Isa sa mga bagay na dapat kong ipagpasalamat sa Diyos ay ang pagbibigay niya sa akin ng talent at kakayahan na magpinta, kahit na hindi pa ako ganon kagaling o kadalubhasa sa larangang ito. Maituturing ko pa rin itong isang talento. Pero may isang bagay na gusto ko rin talagang gawin, at yun ay ang kumanta, pero ulan na ang nagsasabing “huwag”. Hindi kasi ako nabiyayaan ng mala-Sarah Geronimo na boses, pero ok lang, hindi naman kasi talaga lahat ay ibinibigay. That’s life. Kuntento na ako na marunong akong sumayaw at magpinta.
Sa ngayon, masasabi ko na isa  sa mga pinakamalalaking achievement na aking nagawa ay ang pagkakaroon ko ng Top at ang pagbabalik ng hilig ko sa pag-aaral na dati ko nang nakalimutan. At ang pinakamalaking kabiguan naman ay ang palagi kong pagtatangkang mag-ipon na lagi din namang nauuwi sa wala
Simula noong bata pa lamang ako ay gusto ko na talaga ang maging guro, and paintor at the same time. Pero mas matimbang talaga sa akin ang pagtuturo. Kaya narito ako ngayon sa HUMSS at inuumpisahan ang ambisyon. Gusto ko rin makita ang EXO at mapangasawa si Sehun, bilang isa naman akong die-hard-fan, ngunit isa lamang itong ilusyon at malaki kong kahibangan. Pero malay mo naman.
Ang  Diyos, ang aking pamilya at ang aking mga kaibigan ang mga bagay na aking kinatatakutan. Natatakot akong mawala sila sa aking buhay. Sila rin ang s’yang pinaka pinahahalagahan  ko at minamahal. At ang hindi ko naman pinapahalagahan ay ang pride. Para san ba ‘yan? At isa akong tao na may malaking pagpapahalaga sa faith. Sumasampalataya ako sa mga bagay na pinaniniwalaan ng mga kapwa ko Katoliko.
Madalas kong ikagalit kapag pinaplastik ako. Iyan talaga ang dahilan kung bakit hirap akong magtiwala sa mga tao sa aking paligid. At naiinis naman ako kapag may mga tao na hindi nagso-sorry o thankyou man lang.
Kung mayroon mang bagay na hindi ko kayang gawin, yun ay ang mawalan ng paniniwala sa Diyos. Kahit na anumang pagsubok ang dumaan, sisikapin ko na mas lalong patatagin ang aking pananampalatay sa Kanya.
Lumaki ako kasama ang aking buong pamilya sa aming tahanan sa Talipan Pagbilao, Quezon. Sakto lamang ang aming kakayanan sa buhay, sapat lamang para matustusan ang aming pangagailangan sa araw-araw. Dahil magkakasama kami sa bahay ay madalas na masaya kami, nagbibiruan at nagtatawanan.
Si nanay ang s’yang pinakang nagtataguyod ng aming pamilya. Siya ang nagtatrabaho para sa amin. Pero nagtutulungan naman kami para mapaginhawa an gaming buhay.At kahit di ko man tanungin, alam at ramdam ko naman na kami ang kahinaan at kalakasan n gaming mga magulang. Syempre dahil kami ang kanilang pamilya.
Mailalarawan ko ang aking kabataan bilang isang masayang yugto ng aking buhay. Bagamat hindi ako nakakalabas ng bahay para makipaglaro sa iba, naging masaya naman ako dahil ang aking mga kapatid mismo ang naging kalaro at kasama ko sa araw-araw. Sa kung ano ako ngayon, dahil yun sa impluwensya ng  aking nanay, sya kasi ang aking iniidolo kaya’t malaki ang aming pagkakatulad sa pag-ugali.
Sa Talipan National High School ako nag-aral nung Junior High School, madalas akong sumasali sa mga club at organizations sa school. Halos lahat na nga ata ng pwedeng salihan ay sinalihan ko noon. At katulad ng aking sinabi, naging mataas din naman ang aking mga grado noon. Walang asignatura na maituturing ko na “best”, pero para sa akin at base sa mga nagiging resulta ng aking grado, Math talaga ang hindi ko nagugustuhan, at mukha naman na hindi rin ako gusto ng Math.
Marami akong mga balak na natutuloy, ngunit marami rin naman ang hindi, at isa dun ay ang panonod ng concert ng EXO. Palagi ko na lang sinasabi na manunuod ako, mag-iipon ako, pero hindi naman lagi natutuloy. Someday, magkikita-kita rin kami. Tiwala lang. Sa ngayon, si Sehun ng EXO ang pinakahinahangaan ko sa lahat. Siya ang basehan ng perfection para sa akin at sobra ko syang iniidolo.
Syempre, hindi naman sobrang masama ang ugali ko. May mga itinuturing din naman akong Bestfriend, si Mikaela Zen at si Jenro. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung bakit, basta ang alam naming magkakaibigan kami. Hindi kami yung tipo ng magkakaibigan na laging magkakasama, pero hindi naman namin nakakalimutan na kamustahin ang isa’t-isa.
Dati, mahilig akong magbasa ng libro, especially wattpad stories, pero ngayon hindi na, kaya hindi ko na rin talaga maalala kung ano nga ba ang huling libro na binasa ko. Kapag nasa bahay, madalas akong manuod ng TV at mag-internet surfing. Mahilig din akong manuod ng mga –dramas, ang last film na napanuod ko ay Doctor Stranger na sobra ko talagang nagustuhan.
Hindi ako party-goer sa ngayon, pero I love partying. Charot. Ang last party na pinuntahan ko ay Christmas Party namin dito sa school, December 21, last year.
Kung may bagay man ako na gustong baguhin dito sa mundo,’ yun ay ang masamang kaugalian ng mga tao, para world peace na lang ang umiral.
Nakatira ako sa iisang bahay kasama ang buo kong pamilya, at bonus pa ang pamangkin ko. Buong buhay ko ay doon na ako nakatira. Sarili na namin ang bahay naming. Hindi kami nangungupahan o naghuhulugan pa. Kung ilalarawan ko ang aming bahay, isang salita lamang ang masasabi ko, makalat.Yung tipong kahit maya’t-maya ka maglinis ay makakaron parin ng kalat dahil sa mga kapatid ko na walang ginawa kundi magkalat. Yung mga kapit-bahay ko naman, maingay, laging may tugtugan at parang araw-araw e may party.
Dahil madalas e busy si nanay at sa tindahan sya madalas mag-stay, naiiwan kaming magkakapatid sa bahay. Wala kaming pakialaman, sari-sariling mundo para walang awayan. Yun yung dahilan kung bakit kwarto ang pinakapaborito kong lugar sa bahay, tahimik kasi at ang sarap-sarap talagang humiga at magpahinga lang maghapon. At ‘yung salas naman ang pinaka-ayaw ko,makalat kasi.
May mga bagay ako na tinatago sa bahay at ayaw kong malaman ng mga kapatid ko ‘yun, kasi alam kong sisirain lang nila kapag nahanap nila ‘yun,’ yung mga Exo merches ko, mga pictures, at mga regalo na natanggap ko.
Sa loob ng aming tahanan, maraming mga alaalang nabuo, at ang isa sa pinaka hindi ko malilimutan ay ang birthday ni nanay. Sobrang Masaya kasi s’ya ‘nun, at syempre, masaya na rin kami. At mayroon ding nakakatakot na pangyayari ang naganap, yun ay nung nag-away kami ni Kuya. Hindi ko talaga ‘yun makalimutan, kasi yun ang unang araw na nakita ko na umiyak si kuya dahil sa sobrang galit nya sa akin.

Pero masasabi ko pa rin na ang aming bahay ang pinakamasayang lugar sa mundo, kasi dun kami nakakapag-bonding at madalas nakukumpleto.  Simple man ang aming pamumuhay, ayos lang; ang mahalaga, kumpleto kami. 

No comments:

Post a Comment