CHOOSE HUMSS: Hakbang Upang Maging
Successful Someday!
Madalas
na minamaliit ang HUMSS. Kung ihahanay daw kasi sa iba pang mga strand sa
academic track gaya ng ABM at STEM ay wala itong panama. Isang pananaw na nais
kong baguhin. ‘Yung mga estudyante raw na nais ay madali ang karaniwang
pumipili sa HUMSS, ang strand din daw na ito ay para sa mga takot sa
Mathematics at para sa mga undecided pa, o ‘yung hindi alam kung ano talaga ang
gusto nila.
Ang
HUMSS, o Humanities and Social Sciences ay isang strand na nakapailalim sa
Academic Track. Dito matatagpuan ang mga mag-aaral na may likas na creativity
sa katawan at nasa puso ang pagiging sociable. Kung anng hilig mo ay ‘yung
pag-eenjoy habang nag-aaral, pasok ka sa HUMSS.
Bilang
isang estudyante ng HUMSS ay lubos kong ipinagmamalaki ang strand na ito. Mas
lalo kasi nitong nahahasa ang aking kagustuhang maging guro. Dito ay natututunan ko ang pakikisalamuha sa
iba, gayundin ang paglinang sa aking pakikipagkapwa. Masasabi ko na talagang
tugma ang strand na ito para sa mga katulad kong extrovert.
Kaya’t
sa mga susunod na Grade 11, mas makabubuti kung pipiliin ninyo ang HUMSS bilang
tulong sa paghulma ng inyong isip at kakayanan.
Katulad
nga ng aking sinabi, ang HUMSS ay hindi lang basta pagpupunan ng isip kundi
pati na rin ng iba’t ibang karanasan.
Kung
HUMSS ang iyong tatahakin ay maraming propesyon ang maaari mng puntahan.
Nariyan ang pagiging Guro, Psychologist, Pulis, Arkittekto, Abogado at iba pa.
Ang mga propesyong ito ay in-demand hindi lamang dito sa Pinas kundi maging sa
iba’t ibang bansa.
Tiyak
na kapag nasa HUMSS ka ay hindi mo gugustuhing lumipat pa, sapagkat dito ay
malilinang ang iyng kakayahan sa pagsulat, pagpipinta, at iba pa.
Ang
HUMSS ay para sa mga may malawak na imahinasyon at may puso sa paggawa at
pagsulat. Hindi dapat minamaliit ang strand na ito sapagkat dito maaaring
magmula ang mga mahusay na manunulat sa hinaharap.
Ang
iba’t ibang strand ay may kaniya-kaniyang propesyon maaaring malikha. At hindi
magpapahuli ang HUMSS sa paghulma ng mga estudyante na maaaring makipagsabayan
sa iba’t ibang panig ng mundo.
Hindi
dapat na maliitin ang strand na ito. Marahil hindi ito ang strand para sa mga
mathematician, pero ito naman ang strand na nag kahit sino ay magugustuhan. Ang
mga estudyante ng HUMSS ay matalino, creative, talented, at handang subukin ang
hirap. Kaya’t kung taglay mo ang mga katangiang ito, mag HUMSS ka na.
No comments:
Post a Comment