Thursday, March 30, 2017

Sa Likod ng mga Kolorete

                Pagpatak ng alas-siyete ng gabi ay isa-isa nang nagsisipag-handa ang mga babae sa lugar na ito, lugar na patay-buhay ang ang mga ilaw na may iba’t ibang kulay. Sa ganitong oras kasi nagsisimula ang kanilang trabaho at natatapos naman ng umaga, kagaya sa mga pangkaraniwang bar na madalas nating nakikita. Isa si Mhay sa mga babaeng abala sa pag-aayos. Dalawampung taong gulang na siya, nagtatrabaho bilang isang entertainer sa isang Bar dito sa Pagbilao. Tama lamang ang kaniyang pangangatawan para sa kaniyang edad, morena siya at makinis ang balat, maganda rin ang hubog n g kaniyang katawan. Hindi na nga nakakapagtaka na isa siya sa mga paborito ng mga foreigner na suki sa bar na ito. Habang abal si Mhay ay nag-umpisa akong magtanong tungkol sa kaniya.
“Ilang taon ka nang nagtatrabaho dito?” pag-uumpisa ko.
“Wala pang isang taon, siguro mga anim na buwan pa lang.” sagot naman niya.
“Eh ilang taon mo nang ginagawa anng ganitong trabaho?”
“Hindi ko na mabilang. Matagal na rin. Sixteen pa lang naman ako nung nagsimula. Neneng-nene pa nga ako nun e. Napaaga ang paglandi ko.”
“Eh bakit ganitong trabaho ang napili mo Ate?”
“Hindi ko rin alam. ‘Di ko naman masasabi na dahil sa pera, kasi nabibili ko naman ang pangangailangan ko noon. Seaman si papa at nag-oopisina naman si mama. Nakapag-aral pa nga ako hanggang college e,  magbisyo, nagrebelde. Tapos nakilala ko ‘yung mga kaibigan k na nagyaya sakin na magtrabaho ng ganito. Siyempre, batang-maynila ako, ayun namulat na sa ganito.”
                Halata naman talaga sa kaniya na may kaya siya, dahil sa suot-suot niyang braces at kakaibang class niya, especially sa pagsasalita.
Bigla siyang tumayo habang nasa kalagitnaan kami ng paguusap, tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ang damit niya, sumagot naman ako ng oo. Kahit na masakit sa mata ang halos iisang dangkal niyang palda at damit na halos bra na lamang. Isa-isa kng tiningnan ang mga babae na nasa harap ng salamin, sa totoo lamang ay mukha silang disenteng ta, at hindi mo akakalain na nagtatrabaho sila sa ganitong klase ng lugar. Kung sabagay, disente naman talaga sila, tayo lamang ang nag-iisip ng masama.
“Eh Ate, minsan ba naiisip mo na tumigil na lang sa pagtatarabaho dito?” muli kong pag-uumpisa.
“Ay oo naman. Lagi ko ngang binabalak yun. Kaso gusto ko muna makaipon. Gusto kong patunayan kila mama na kaya ko rin naman mabuhay mag-isa.”
“Sa tingin mo ba ate, masama ang ganitong uri ng trabaho?”
“Syempre naman, kahit naman sinong tanungin mo. Lahat naman yata ng tao ay masama ang tingin sa katulad namin. Pokpok daw kami, walang pinag-aralan, laspag, bayaran, malandi, maninira ng pamilya. Aba. Wag naman nilang lahatin, ibahin nila ako. Kahit naman nakita ako ng libo-libo at sumasama ako sa kung sino-sinong lalaki, di naman ako nagpapa-ano. Alam mo na yun. Open-minded ka naman diba?”
                Saka siya tumawa na para bang wala siyang pinoproblema. Maya-maya pa ay tinawag na siya ng floor manager, magready na daw para sa show-up. Muli siyang tumay at inayos ang damit.
“Anjan na yung mga Hapon. Customer namin yan ni Jackie. Pag malaki kita ko, lilibre kita sa sabado.”

                Sabi niya sa sa akin saka umalis palabas. Kung iisipin ay may kaniya-kaniya naman silang dahilan kung bakit nila ginagawa ang ganoong klase ng trabaho. Madalas man natin silang nakikita na nakasuot ng matataas na sapatos, at maiiksing damit, gayundin ang makapal na kolorete, na siyang nagtatakip sa lungkot ng kanilang mga muka., kapag naman tinanggal nila ang lahat ng iyon ay katulad din natin sila, pangkaraniwang babae na dapat ay nirerespeto. 

No comments:

Post a Comment