Thursday, March 30, 2017

TO DU30

Para sa aming minamahal na Pangulo, Rodrigo R. Duterte,
Sa loob ng isang taon, ilan tao pa kaya ang mamamatay? Ilang biktima pa kaya ng extra-judicial killing ang atatagpuang nakahandusay sa kalye at may karatulang nakasulat na “Adik ako. ‘Wag tularan”? Ilang pamilya pa kaya ang magdurusa at hihingi ng hustisya?
                Sa pagsisismula ng termino ng ating minamahal na Pangulo, marami na agada ang nagbago, partikular na sa relasyon ng ating bansa sa iba pang mga bansa, gayundin ang paglayo ng ekonomiya ng bansa, hindi rin naman lingid sa kaalaman ng bawat isa ang pinaka-mainit na usapin sa ngayon, ang “extra-judicial killing”. Maaaring parte nga ng laban kontra-droga angb sunod-sunod na patayan sa bansa. Nariyan ang mga pinaghihinalaang adik na binaril ng riding in-tandem, at syempre ang nanlaban na napatay ng ng mga pulis. Sa katunayan nga ay umabot na ng libo-libo ang namatay, at iilan lamang ang nabigyan ng katarungan.
                Naiintindihan ko na bilang pangulo, ay hangad m ang kapayapaan ng bansa, kaya’t ang focus mo ay ang pagsugpo ng droga sapagkat ito ang pinag-uugatan ng iba’t ibang krimen. Ngunit inilalagay na ng tao ang batas sa kanilang mga kamay. Walang habas na pumapatay ang ilan, at sa halip na matakot ay mas lalo pang naeengganyo sa paggawa ng kasamaan.
                Sang-ayon ako na talagang kinakailangan nang masugpo ang droga, hindi kasi ito nagdudulot ng mabuti. Ang hindi ko lamang sinasang-ayunan ay ang naging epekto nito, taliwas sa nais nating mangyari. Bilang isang kabataan, bukas na ang aking isipan sa mga usaping tulad nito, paano ba nama’y ito na lamang ang nilalaman ng balita. Patayan doon, patayan dito. Mga walang habas na pagpatay na madalas ay droga ang pinag-ugatan.
                Ang mga ganitong uri ng isyu ang dapat na binibigyang-pansin, nakababahala na kasi at sadyang nakapangingilabot. Ang hindi ko maintindihan ay kung paanong ang dapat na solusyon ay anging isa pang suliranin. Ang war on drugs ay dapat na maging solusyon para sa lumalalang kaso ng droga sa bansa, ngunit sa halip ay nagdulot pa ito ng suliranin, ang Extra Judicial Killings.
                Mahaba-haba pa ang panahong bubunuin mo ating Pangulo, at inaasahan ko na sa mga panahong iyon ay masolusyunan mo na ang isyu sa droga gayundin ang  Extra judicial killing, pati na rin ang iba pang isyu dito sa bansa, na dapat ay pinagtutuunan ng pansin. Bilang isang mamamayan, inaasahan ko ang pagbabago, tungo sa kapayapaan, ‘di ba nga “Change is Coming”?

                Lubos na gumagalang, Shiela Mae V. Mendoza

No comments:

Post a Comment