AKO: Mga Bagay na hindi mo pa
Nalalaman
Isang umaga ng Sabado, ika-23 ng Hulyo taong 1999 nang
ako ay ipanganak sa bayan ng Lucena. “Shiela Mae” ang pangalang ibinigay sa
akin alinsunod sa bilin ng aking ninang. Sa kasalukuyan ay labing-pitong taon
na ako at nasa ika-labing isang baitang sa Calayan Educational Foundation, Inc.
Madalas akong
ilarawan ng aking mga kaibigan na “maitim”, ngunit kailanma’y hindi ko ito
ikinagalit dahil totoo naman talaga, pero naniniwala naman ako na “black is
beauty” at kakapit na lamang ako sa paniniwalang iyan. Madalas din nilang
mapuna ang aking height, masyado daw akong maliit. Well, it runs in our blood.
Mga lalaki lamang kasi ang nabiyayaan ng tangkad sa aming pamilya.
Maayos at malusog naman akong palaki ng aking mga
magulang. Lampas sa tatlong beses pa nga kung kumain sa loob ng isang araw,
ngunit hindi lamang talaga ako tumataba. Wala naman akong maituturing na
malalang sakit o karamdaman, ito lamang panlalabo ng aking mata ang madalas
kong idaing .
Noong
bata pa lamang ako ay nagkaroon ako ng sakit na asthma na naging dahilan para
maging mahina ang aking katawan. Sa ngayon naman ay bihira ko nang maramdaman
ang mga kahinaang ito. Ngunit isa sa mga pinakamatinding epekto nito ay ang
pagkawala ng aking interes sa paglalaro ng sports o anumang mga gawain na
magiging sanhi ng pagod. Sa kabila nito ay nakahiligan ko paring gawin bilang
bahagi ng ehersisyo ay ang pagsasayaw, kahit na trying-hard pa ako kung minsan.
Sa loob ng maraming taon ng aking pag-aaral ay
napapanatili ko naman ang mataas na grado at kung minsan nga ay napapasama pa
ako sa may mga honors, kaya’t masasabi ko na maayos naman estado ng aking IQ,
sapat lang para maintindihan ko ang mga bagay-bagay. Kaugnay na rin siguro nito
ang pagiging malawak ng aking imahinasyon. Ang mga imposibleng bagay ay
nagiging possible sa tuwing gumagana ang aking imahinasyon. Nararating ko ang
outer space at nalilibot ang galaxy sa sobrang lakas nito. Samantala, 7 out of
10 ko naman ilarawan ang aking common sense. Minsan kasi ay nagiging slow ako
sa pagpick-up ng mga jokes at kung ano-ano pa.
Ako yung tipo ng tao na go wth the flow lang. Kung sa’n
sila dun ako, kung san ako dalhin ng tadhana, go lang. Positibo kasi ako, at
ang mga pananaw ko sa buhay. Wala naman kasing patutunguhan kung patuloy kong
iisipin ang mga nakaka-stress na bagay.
Ako rin ‘yung tipo na hindi uusad ang buhay kapag
nag-iisa, malungkot kapag walang kasama at hindi kaya ang maging solo lang.
Pero may mga pagkakataon naman na gusto ko ang mag-isa, nagmumuni-muni at
nagpapahinga mula sa isang nakakapagod na araw. At sa mga oras na nagkakaroon
ng problema, mas maganda syempre kapag may nakakatulong ka sa pagreresolba ng
mga ito; dapat ay sinasamahan ng pagdarasal nang bonggang-bongga.
Isa sa mga bagay
na dapat kong ipagpasalamat sa Diyos ay ang pagbibigay niya sa akin ng talent
at kakayahan na magpinta, kahit na hindi pa ako ganon kagaling o kadalubhasa sa
larangang ito. Maituturing ko pa rin itong isang talento. Pero may isang bagay
na gusto ko rin talagang gawin, at yun ay ang kumanta, pero ulan na ang
nagsasabing “huwag”. Hindi kasi ako nabiyayaan ng mala-Sarah Geronimo na boses,
pero ok lang, hindi naman kasi talaga lahat ay ibinibigay. That’s life.
Kuntento na ako na marunong akong sumayaw at magpinta.
Sa ngayon,
masasabi ko na isa sa mga
pinakamalalaking achievement na aking nagawa ay ang pagkakaroon ko ng Top at
ang pagbabalik ng hilig ko sa pag-aaral na dati ko nang nakalimutan. At ang
pinakamalaking kabiguan naman ay ang palagi kong pagtatangkang mag-ipon na lagi
din namang nauuwi sa wala
Simula noong
bata pa lamang ako ay gusto ko na talaga ang maging guro, and paintor at the
same time. Pero mas matimbang talaga sa akin ang pagtuturo. Kaya narito ako ngayon
sa HUMSS at inuumpisahan ang ambisyon. Gusto ko rin makita ang EXO at
mapangasawa si Sehun, bilang isa naman akong die-hard-fan, ngunit isa lamang
itong ilusyon at malaki kong kahibangan. Pero malay mo naman.
Ang Diyos, ang aking pamilya at ang aking mga
kaibigan ang mga bagay na aking kinatatakutan. Natatakot akong mawala sila sa
aking buhay. Sila rin ang s’yang pinaka pinahahalagahan ko at minamahal. At ang hindi ko naman
pinapahalagahan ay ang pride. Para san ba ‘yan? At isa akong tao na may malaking
pagpapahalaga sa faith. Sumasampalataya ako sa mga bagay na pinaniniwalaan ng
mga kapwa ko Katoliko.
Madalas kong ikagalit
kapag pinaplastik ako. Iyan talaga ang dahilan kung bakit hirap akong magtiwala
sa mga tao sa aking paligid. At naiinis naman ako kapag may mga tao na hindi
nagso-sorry o thankyou man lang.
Kung mayroon
mang bagay na hindi ko kayang gawin, yun ay ang mawalan ng paniniwala sa Diyos.
Kahit na anumang pagsubok ang dumaan, sisikapin ko na mas lalong patatagin ang
aking pananampalatay sa Kanya.
Lumaki ako
kasama ang aking buong pamilya sa aming tahanan sa Talipan Pagbilao, Quezon.
Sakto lamang ang aming kakayanan sa buhay, sapat lamang para matustusan ang aming
pangagailangan sa araw-araw. Dahil magkakasama kami sa bahay ay madalas na masaya
kami, nagbibiruan at nagtatawanan.
Si nanay ang s’yang
pinakang nagtataguyod ng aming pamilya. Siya ang nagtatrabaho para sa amin.
Pero nagtutulungan naman kami para mapaginhawa an gaming buhay.At kahit di ko
man tanungin, alam at ramdam ko naman na kami ang kahinaan at kalakasan n
gaming mga magulang. Syempre dahil kami ang kanilang pamilya.
Mailalarawan ko
ang aking kabataan bilang isang masayang yugto ng aking buhay. Bagamat hindi
ako nakakalabas ng bahay para makipaglaro sa iba, naging masaya naman ako dahil
ang aking mga kapatid mismo ang naging kalaro at kasama ko sa araw-araw. Sa
kung ano ako ngayon, dahil yun sa impluwensya ng aking nanay, sya kasi ang aking iniidolo
kaya’t malaki ang aming pagkakatulad sa pag-ugali.
Sa Talipan
National High School ako nag-aral nung Junior High School, madalas akong
sumasali sa mga club at organizations sa school. Halos lahat na nga ata ng
pwedeng salihan ay sinalihan ko noon. At katulad ng aking sinabi, naging mataas
din naman ang aking mga grado noon. Walang asignatura na maituturing ko na
“best”, pero para sa akin at base sa mga nagiging resulta ng aking grado, Math
talaga ang hindi ko nagugustuhan, at mukha naman na hindi rin ako gusto ng
Math.
Marami akong mga
balak na natutuloy, ngunit marami rin naman ang hindi, at isa dun ay ang
panonod ng concert ng EXO. Palagi ko na lang sinasabi na manunuod ako,
mag-iipon ako, pero hindi naman lagi natutuloy. Someday, magkikita-kita rin
kami. Tiwala lang. Sa ngayon, si Sehun ng EXO ang pinakahinahangaan ko sa
lahat. Siya ang basehan ng perfection para sa akin at sobra ko syang iniidolo.
Syempre, hindi
naman sobrang masama ang ugali ko. May mga itinuturing din naman akong
Bestfriend, si Mikaela Zen at si Jenro. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag
kung bakit, basta ang alam naming magkakaibigan kami. Hindi kami yung tipo ng
magkakaibigan na laging magkakasama, pero hindi naman namin nakakalimutan na
kamustahin ang isa’t-isa.
Dati, mahilig
akong magbasa ng libro, especially wattpad stories, pero ngayon hindi na, kaya
hindi ko na rin talaga maalala kung ano nga ba ang huling libro na binasa ko.
Kapag nasa bahay, madalas akong manuod ng TV at mag-internet surfing. Mahilig
din akong manuod ng mga –dramas, ang last film na napanuod ko ay Doctor
Stranger na sobra ko talagang nagustuhan.
Hindi ako
party-goer sa ngayon, pero I love partying. Charot. Ang last party na
pinuntahan ko ay Christmas Party namin dito sa school, December 21, last year.
Kung may bagay
man ako na gustong baguhin dito sa mundo,’ yun ay ang masamang kaugalian ng mga
tao, para world peace na lang ang umiral.
Nakatira ako sa
iisang bahay kasama ang buo kong pamilya, at bonus pa ang pamangkin ko. Buong
buhay ko ay doon na ako nakatira. Sarili na namin ang bahay naming. Hindi kami
nangungupahan o naghuhulugan pa. Kung ilalarawan ko ang aming bahay, isang
salita lamang ang masasabi ko, makalat.Yung tipong kahit maya’t-maya ka maglinis
ay makakaron parin ng kalat dahil sa mga kapatid ko na walang ginawa kundi
magkalat. Yung mga kapit-bahay ko naman, maingay, laging may tugtugan at parang
araw-araw e may party.
Dahil madalas e
busy si nanay at sa tindahan sya madalas mag-stay, naiiwan kaming magkakapatid
sa bahay. Wala kaming pakialaman, sari-sariling mundo para walang awayan. Yun
yung dahilan kung bakit kwarto ang pinakapaborito kong lugar sa bahay, tahimik
kasi at ang sarap-sarap talagang humiga at magpahinga lang maghapon. At ‘yung
salas naman ang pinaka-ayaw ko,makalat kasi.
May mga bagay ako
na tinatago sa bahay at ayaw kong malaman ng mga kapatid ko ‘yun, kasi alam
kong sisirain lang nila kapag nahanap nila ‘yun,’ yung mga Exo merches ko, mga
pictures, at mga regalo na natanggap ko.
Sa loob ng aming
tahanan, maraming mga alaalang nabuo, at ang isa sa pinaka hindi ko malilimutan
ay ang birthday ni nanay. Sobrang Masaya kasi s’ya ‘nun, at syempre, masaya na rin
kami. At mayroon ding nakakatakot na pangyayari ang naganap, yun ay nung
nag-away kami ni Kuya. Hindi ko talaga ‘yun makalimutan, kasi yun ang unang
araw na nakita ko na umiyak si kuya dahil sa sobrang galit nya sa akin.
Pero masasabi ko
pa rin na ang aming bahay ang pinakamasayang lugar sa mundo, kasi dun kami
nakakapag-bonding at madalas nakukumpleto. Simple man ang aming pamumuhay, ayos lang; ang
mahalaga, kumpleto kami.